Kuta ng Abu Sayyaf, nakubkob

@Balitang Probinsiya | February 9, 2021
SULU—Nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng bayan ng Patikul.
Ang sinalakay ng Joint Task Force Sulu ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ay ang kuta ng mga terorista sa Bgy. Danag sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tungkol kuta ng mga ASG kaya agad itong sinalakay ng tropa ng pamahalaan, pero mabilis na nakatakas ang mga terorista.
Nabatid na nakarekober ang mga awtoridad ng mga personal na kagamitan, tatlong duyan at dalawang bag pack sa kuta ng mga terorista.
Patuloy pa ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na ASG.



Comments