top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kusinero, tinodas ng kainuman

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 24, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 24, 2021


CAPIZ—Isang kusinero ang sinaksak at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Bunga, Mambusao.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Ezekiel Bacusino, 26-anyos, samantalang ang suspek ay si Juvy Barquilla, 39-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Bacusino at Barquilla na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na sa ngayon ay nahaharap sa kasong murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page