Kusinero, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 2, 2023
SOUTH COTABATO—Isang kusinero ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Manungol, Koronadal City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ariel Contenado, 62-anyos, nakatira sa nabanggit na lungod.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar kaya naaresto ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Contenado.
Nakapiit na ang suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.



Comments