top of page
Search
  • BULGAR

Kung si Sharon, busy sa socmed… KC, TODO-RELAX AT PAGANDA

ni Nitz Miralles - @Bida | July 7, 2020




Nakarating na siguro kay KC Concepcion na pinatawad na ng mom niyang si Sharon Cuneta si Ronald Carballo at kaya namin nabanggit si KC ay dahil isa siya sa mga nabanggit ni Ronald sa isinulat niya tungkol kay Sharon na ikinasama ng loob ni Megastar.


Sabagay, para namang hindi marunong magalit si KC at kahit nga marami ang mga bashers, maayos pa rin niyang sinasagot at pinapaliwanagan ang mga ito.


Ilang araw nasa The Farm at San Benito si KC para mag-relax at ang sabi nga nito, “Staying away from toxic environments, people, thoughts & things. Try natin dumedma sa mga hindi nakakaganda... gagaang loob natin magiging blooming ka pa.”


Bukod sa pagpapaganda, busy si KC sa pakikipag-collab sa pagluluto. Nakakatuwang malamang marunong magluto si KC at nadagdagan pa ang alam lutuin dahil sa pakikipag-collab.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page