top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kung hindi pa ubra ang face-to-face, tutukan ang online classes

BULGAR
Sep 16, 2021
1 min read

@Editorial | September 16, 2021



Kasunod ng pagbubukas ng mga klase, ipinabatid naman ng Department of Education (DepEd) ang kakailanganing pondo para pambili ng laptop ng mga guro.


Ayon sa ahensiya, nasa P37 bilyon ang kailangang budget para mabigyan ang lahat ng guro sa bansa ng sarili nilang laptop, para sa nagpapatuloy ng distance learning.


Sa pagdalo ng House deliberations para sa panukalang 2022 budget ng DepEd, sinabi ni Undersecretary Alain Pascua na kulang talaga ang pondo ng ahensiya para tugunan ang distance learning.


Sa nabanggit na halaga, P33 bilyon dito ay para sa laptops habang P4 bilyon naman ay para sa data connectivity ng hanggang isang taon.


Napag-alamang noong 2019 ay mayroong 211,000 units ng laptop na naipamigay na habang 36,676 units naman sa 2020 ang kasalukuyang idini-deliver. Mayroong 65,683 units ang kasalukuyang binibili pa ng ahensiya bukod pa umano sa 40,000 laptop units na bibilhin na napapaloob sa Bayanihan 2.


Kailangan talagang pagtuunan ang mga pangangailangan ng mga guro upang maayos nilang maitawid ang edukasyon sa mga estudyante.


Kung nais nating makasabay sa mga pagbabago, talagang kailangang gumastos.

May mga guro na halos sa sariling bulsa na dumudukot para lang maging mas epektib ang pagtuturo.


Bagama’t pahirapan na nga sa gadget at load, todo-kayod pa rin sila at may iba na talagang sinasadya na ang mga mag-aaral sa bahay para lang masiguro na may natututunan.


Sana ay mas mapagtuunan pa ng pansin ang mga problema sa edukasyon para ‘ika nga ay hindi naman tayo mapag-iwanan. Kung hindi talaga uubra ang face-to-face, tutukan natin ang online classes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page