top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung 'di raw sa Senate, sa mga maids nakuha… MGA BODYGUARDS NI SEN. BONG, MAY COVID DIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2020
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 17, 2020



Kasalukuyan pa ring nagpapagaling si Sen. Bong Revilla, Jr. matapos ma-infect ng COVID-19 virus. Sa interview niya sa radio program ng DWIZ ay nagbigay ng update ang aktor-pulitiko sa kanyang kondisyon.

Naka-isolate pa rin daw siya away from his family, baba-taas pa rin ang kanyang lagnat at medyo hinihingal pa rin. Hindi raw siya nahihirapang huminga pero madali siyang hingalin. Minamalat din siya.

Kuwento nga niya, nag-shave lang daw siya nang araw na ‘yun pero hiningal na siya agad.


Pero sa tingin naman daw niya ay kakayanin niya ito kaya nga hindi na rin siya nagpa-confine. Siguro nga raw ay worst condition na niya itong nangyayari sa kanya’t mukhang hindi naman daw lalala pa. May mga doktor naman daw na from time to time ay gumagamot sa kanya.

“Nothing to worry about, kaya ko,” aniya.

‘Yun nga lang, hindi niya nakikita ang pamilya niya ngayon lalo pa nga’t nag-birthday daw ang kanyang isang anak na babae. Sa Zoom na lang daw muna sila ngayon nag-uusap at nagkikita.

When asked kung saan sa tingin niya nakuha ang virus, aniya ay hindi niya matukoy talaga.

“Puwedeng sa Senate, puwedeng sa mga maids, puwedeng ganu’n, pero hindi mo na masabi, eh. ‘Yung ibang security ko, nagka-COVID din, eh. Lahat sila, naka-quarantine.”

Nagbigay din siya ng payo sa mga kapwa-COVID patients na ang pinakaimportante ay huwag matakot.

“Unang-una, ang pinakamabigat na kalaban dito, eh, ‘yung para kang na-torture. ‘Yun ang papatay sa ‘yo, eh, 'pag natakot ka. Kailangan, matuto tayong lumaban, labanan natin siya.”


Bukod daw sa pagiging matatag ay kailangang palakasin din ang immune system at siyempre, dasal sa ating Panginoon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page