top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung dati, takot na takot at umuurong…DINGDONG, PROUD NA KAYA NANG MAKIPAG-FACE-TO-FACE SA DAGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2020
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 5, 2020




Nakakatuwa ang kuwento ni Dingdong Dantes na dahil sa quarantine, natuklasan niyang kaya niya palang labanan ang kanyang takot sa daga.


“Sobrang matatakutin ako sa daga. As in talagang 'pag may nakita akong daga o may malaman lang ako na mayroon sa tabi-tabi, nagpi-freak out ako,” ani Dong.


Pero may nakaharap daw siyang daga na umaali-aligid sa kanilang lanai area at naging kaibigan niya pa.


“Pero isang takeaway doon is, naging kaibigan ko na 'yung isang malaking daga na umaaligid sa bahay namin kasi nakaya ko na mag-stand-off sa kanya ng mga at least 3 seconds kasi 'di siya umuurong, eh.


"At least ngayon, meron na kaming mutual respect kasi talagang inuurungan ko siya dati. Mukhang okay naman na kami,” kuwento pa ni Dong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page