top of page
Search
  • BULGAR

Kung dati, nahe-hurt… VICE, UMAMING YUMAMAN DAHIL MUKHANG KABAYO

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 25, 2020




Naikuwento ni Vice Ganda na nu'ng nag-uumpisa pa siya sa showbiz, nasasaktan siya sa mga bumabatikos sa kanyang pisikal na kaanyuan. Hindi niya ma-take na tinatawag siyang "mukhang kabayo".


Sa isang panayam kay Vice, naitanong sa comedian-host kung ano'ng pinakamasakit na panlalait ang kanyang natanggap simula nang pasukin niya ang showbiz.


Dating pambato ng comedy bar na Punchline at Laffline si Vice bago nadiskubre ng It's Showtime ng ABS-CBN eleven years ago.


"'Yung mga pinakauna pa, ang sinasabing komento, 'Mukha kang kabayo.' 'Yun lang naman ang pinaka-minor na kritisismong natatanggap ko.


"Nasasaktan ako kasi hindi ko natatanggap. Hanggang eventually, 'Oo nga, ano? Mukha pala akong kabayo,'" pabiro niyang sagot.


"Ang haba kasi ng buhok ko nu'ng nagsisimula ako sa comedy bar. Tapos, super-payat ako. Siyempre, 'yung mga baklang kanal days ko."


Hanggang dumating daw sa puntong napagtanto ni Vice na kailangan niyang yakapin ang mga pangungutya sa kanyang pagkatao.


"Mukha talaga akong kabayo. So, nu'ng una, nahe-hurt ako," aniya.


Ang ginawa ni Vice, ginamit niya ang kanyang mukhang kabayo sa pagkokomedi at pumatok naman.


"'Ah, teka lang...' Ginawa ko siyang material, pinagkakitaan ko. Du'n ako nagsimula na nagkaroon ng material.


"Nakilala ako na si Vice Kabayo. Kinailangan ko palang gamitin 'yun to my advantage.


"Kaya maraming-maraming salamat sa mga umokray sa akin dati na mukha akong kabayo."


Aminado si Vice na hanggang ngayon ay umaani pa rin siya ng kung anu-anong batikos mula sa mga bashers, pero tanggap na niya ito dahil nasa showbiz siya. You can't please everybody, 'ika nga.


Sa tinagal-tagal na niya sa showbiz, nasanay na raw siya sa mga panlalait.


"Super dami. And I think I'm fine receiving those comments. Hindi ko (naman) sinasabi na happy ako. Nakakalungkot, nakakaiyak 'yung iba, ang sakit din ng iba…


"But it's just fine. Hindi naman talaga ako gusto ng lahat. And it's okay dahil ako rin naman, hindi ko rin naman gusto lahat.


"So, patas-patas lang tayo. 'Keri lang, 'Day! Dahil 'di ko naman gusto lahat.'


"So, ganu'n talaga ang mundo, hindi puwedeng gusto natin lahat."


Nabawasan na rin daw ang kanyang pagiging "patola" kumpara noon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page