top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kumusta si weightlifter Diaz sa Malaysia nang ma-lockdown?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 7, 2020
  • 1 min read

ni ATD - @Sports | July 7, 2020




Marami ng umaaray na atleta dahil sa pamiminsala ng COVID-19 kaya naman kailangan nilang maging matatag at magdasal upang malampasan ang mga hirap na dinadanas.


Tulad ni Pinay weightlifter at Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na lahat gagawin upang hindi magpatalo sa pandemya at maibandera ang watawat ng Pilipinas sa international competitions.


Isa na ang pinaghahandaan niyang Tokyo Olympics na nausog ang petsa sa 2021.

Inabutan ng lockdown si Diaz sa Malaysia dahil sa coronavirus kaya naman doon na rin siya nag e-ensayo kahit mahirap.


""Yung nangyaring lockdown ang mahirap na part all around the world, di namin alam gagawin kung ano ang next move, wala rin kaming kilala dito sa Malaysia, walang connection, di namin alam ang lugar, at ano mga bawal at pwede," kwento ni Diaz sa Instagram page ng MVP Sports Foundation.


Sinabi rin ng Asian Games 2018 gold medalist ang naging buhay at pinagdaanang mental stress, nalulungkot si Diaz dahil hindi nito nakakasama ang pamilya sa nangyaring global pandemic.


"Siyempre during this moment di maiiwasan na magka-anxiety, mag-over think, may takot at na-miss ang pamilya, sa oras na 'to kasi talagang kailangan ko rin ng pagmamahal at physical touch ng family," ani Diaz.


Pero para sa Southeast Asian Games 2019 gold medalist, dapat niyang maging matatag para sa bansa kahit ano ang mangyari.


"As an athlete, we have no reason to stop kahit ano pang mangyari, we have should always be ready kahit anong mangyari dahil Pilipinas ang nirerepresenta natin," sabi ni Diaz.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page