Kumander ng BIFF, sumuko sa Army
@Balitang Probinsiya | November 02, 2020
North Cotabato—Isang kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa Philippine Army (PA) kamakalawa sa Bgy. Ulandang, Midsayap.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong kumander ng BIFF na residente ng nabanggit na bayan.
Napag-alamang isinuko rin BIFF commander ang kanyang mga baril at bala sa headquarters ng PA na nakabase sa lalawigan.
Nagpasya umano itong sumuko dahil nais na nitong magbagong-buhay at makapiling ang kanyang pamilya.
Sa ngayon ay isinasailalim na ang sumukong BIFF commander sa taktikal na interogasyon para matiyak na bukal sa kalooban nito ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments