top of page
Gary V. - IG.jpg

Kulam

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2023
2 min read

ni Lucifera @Lagim | October 22, 2023


Matataas ang grado ni Mariefe Aguas kaya ini-expect niya na makukuha niya ang posisyon na kanyang inaasam-asam. Balitang-balita kasi na ang mga nagtatrabaho sa kumpanya na 'yun ay magagaling.


Siya ay isang Magna Cum Laude kaya naman kung tutuusin ay maraming kumpanya ang nag-aagawan sa kanya, pero mas gusto niyang pumasok sa Angel Broadcasting. Bukod kasi sa nangunguna ito sa buong Pilipinas, nais din niyang maging broadcaster.


Napalunok siya nang ilang ulit, dahil wala pa kasi siyang magandang damit kung kaya't aware siya na maraming mata ang magsasabing na ang pangit ng kanyang kasuotan.


Hindi naman bumubukas ang bibig ng mga ito, pero bakit parang naririnig niya? Para tuloy gusto niyang humagalpak ng tawa, dahil kung minsan ay napakalawak ng kanyang imahinasyon.


“Marife Aguas.”


Agad siyang tumayo, at ngumiti sa babaeng tumawag sa kanyang pangalan. Kumunot ang kanyang noo dahil pakiwari niya ay badtrip ito sa kanya, at hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.


“Ano'ng ginagawa ng tulad niya rito? ”


Bigla siyang napahinto sa kanyang paglakad, at agad na lumingon. Sigurado kasi siyang may narinig siyang boses. Ngunit, ayaw naman niyang isipin na totoo iyon. Ang gusto niyang isaksak sa kanyang isipan ay isa lamang iyong guni-guni.


“Magandang Hapon po,” magalang niyang bati sa matandang babae, at sa tingin niya ito ang pinaka-boss.


“Hindi ka maaaring magtrabaho rito,” gilalas nitong sabi sa kanya.


“Ho?”


“Umalis ka na!”


Kumunot ang kanyang noo at pinakatitigan ito. Malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Hinimas-himas niya ang sentido na para bang sumasakit iyon ng todo.


“Pasensya ka na kung anu-ano'ng nasabi ko kanina. Naapektuhan yata ng mga dramang pinanonood ko,” wika nito saka inilabas ang isa papel.


“Kapag pinirmahan mo ito ibig sabihin, hired ka na.” sa narinig niyang 'yun ay agad niyang hinagilap ang papel at pinirmahan. Ngunit, matapos niyang pumirma ay muntik na niyang maibato ang hawak na ballpen, dahil para kasi siyang biglang nakuryente.


Itutuloy…


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page