top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kubo nasunog, lola sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 21, 2020



NORTH COTABATO—Isang 82-anyos na lola ang sugatan nang masunog ang tinitirhan nitong bahay-kubo kamakalawa sa Bgy. Dungguan, Mlang.


Ang biktima ay nakilalang si Gandalia Ibad, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, bigla umanong sumiklab ang sunog sa kubo ng biktima at mabilis na kumalat ang apoy sanhi upang malapnos ang iba’t ibang parte ng katawan nito.


Mabilis na sumaklolo ang mga residente kaya nailabas sa nasusunog na kubo si Ibad at sa ngayon ay ginagamot na ang biktima sa ospital.


Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa kubo ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page