Search
  • BULGAR

Kris, mamimigay ng 2 in 1 laptop sa 8 pamilya

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2020




Nakakatuwa ang tweet ni Kris Aquino na magbibigay siya ng 2 in 1 laptop upang makatulong sa mga magulang na walang ibang hangad kundi ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang anak.


Aniya, “Lahat ng magulang ang hangarin ay mapagtapos sa pag-aaral, maging maganda ang kinabukasan, at maging masaya ang mga anak nila. Yesterday, I could really feel the LOVE & GUIDANCE of my parents.


“From my Father’s Day post: COME WHAT MAY, ano man ang PAGSUBOK, GAGAWIN ko ang makakaya ko para tumulong sa kapwa para MAKABANGON tayong muli... I have read your requests kaya pinag-isipan ko at nagawan ng paraan.”


Nabanggit din niya ang programa ni Willie Revillame at aniya, “Effective po ang promo ng Shopee sa Wowowin. Sa kanila ako nag-order ng 8 na 2 in 1 laptops. Earliest delivery will be June 29...


“Homeschooling ngayon, I want to invest in the FUTURE of the Philippines. Para ito sa kinabukasan ng ating mga anak- helping their EDUCATION.


“Please FOLLOW me and LIKE this post both on IG & on FB. Kuwentuhan n’yo ‘ko tungkol sa mga anak ninyo... My Cornerstone family will help me choose sino ang 8 families ang makaka-receive ng 2 in 1 laptop. I’ll go live on July 1 to announce the winners and sana makausap ko kayo. #ParaSaKinabukasan.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.