top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Konting tiis at tipid, giginhawa rin

BULGAR
Sep 7, 2022
1 min read

@Editorial | September 7, 2022


Magandang pangitain na naputol na ang limang buwang uptrend ng inflation.


Ito ay matapos iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa sa buwan ng Agosto.


Ayon sa PSA, nasa 6.3 percent lamang ang inflation noong Agosto kumpara sa 6.4% na naitala noong Hulyo.


Ang mabagal na paggalaw ng presyo sa transport ang umano'y dahilan kung kaya bumagal ang inflation noong Agosto.


Bumagal din ang paggalaw ng food at non-alcoholic beverages pati na ang gulay, karne at isda.


Kahit paano ay makakalma ang mga taga-budget sa tahanan at kahit hindi pa tayo tuluyang nakakabawi, mainam na rin na naitatawid pa rin natin ang mga pang-araw-araw na gastusin.


Umaasa tayo na ito na ang simula ng pagsigla ng ating ekonomiya. Mas maraming oportunidad at mas mabilis na pagbangon.


Palagi lang samahan ng sipag, tiyaga, katapatan at higit sa lahat, pananampalataya sa Diyos, giginhawa rin ang ating buhay.


Huwag lang umeksena ang mga masasamang loob at mapagsamantala. Kaya dapat tayong maging mapagmatyag at makiisa sa ating gobyerno para sa pagpapanatili ng kaayusan ng bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page