Komunistang NPA, nasakote
@Balitang Probinsiya | November 5, 2023
SARANGANI -- Isang komunistang New People’s Army (NPA) ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Batian, Maitum sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang naturang komunista.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments