top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Komunistang hitman, todas sa shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 28, 2021



ISABELA—Isang hitman ng komunistang New People’s Army (NPA) ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Palacian, San Agustin.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Renato Busania, miyembro ng NPA na nakabase sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Busania kaugnay sa kaso nitong double murder, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Mabilis na nakaganti ng putok ang mga operatiba dahilan kaya napatay ang suspek na tinamaan ng mga bala sa katawan.


Napag-alamang nakarekober ang pulisya ng kalibre .45 pistola at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page