Komunista, todas sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | Pebrero 7, 2024
CAMARINES SUR -- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Brgy. Lidong, Presentacion sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na habang nagpapatrulya ang mga tropa ng pamahalaan ay nakasalubong ng mga ito ang anim na miyembro ng NPA sa nasabing barangay.
Dahil dito, agad nagbarilan ang magkabilang-panig hanggang mapatay ang isang miyembro ng NPA.
Nang makita ng ibang komunista na nasawi ang isang kasamahang NPA ay mabilis silang tumakas at sa ngayon ay tinutugis pa ng tropa ng pamahalaan



Comments