top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Komunista tepok sa engkuwentro

BULGAR
Nov 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 29, 2022


ILOILO—Patay ang komunista sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Tigbanaba, Igbaras.


Ang napatay na komunista ay kinilala ng mga awtoridad sa alyas Ka Evan, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa nasabing lalawigan.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga armadong lalaki na gumagala sa nasabing barangay, kaya agad rumesponde ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) at darakpin na sana ang mga komunista pero pinagbabaril ng mga suspek ang mga kawal ng pamahalaan.


Ayon sa ulat, nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang komunista.


Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng NPA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page