Komunista, sumurender
@Balitang Probinsiya | April 20, 2023
NUEVA ECIJA—Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko, kamakalawa sa Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Ang sumuko ay kinilala sa alyas na "Ka Arce", miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng NPA ang dala niyang isang granada at mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng sumukong komunista na nais na umano niyang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments