ni MC @Sports | October 18, 2023
Matapos ang 8 taon na paghahari ni Kenyan Eliud Kipchoge sa World Marathon ay tinibag na ito ng kababayan niyang si Kelvin Kiptum at winasak niya ang men's marathon world record sa Chicago noong Linggo nang matapos niya ang karerang 42km sa 2 oras at 35 segundo (2:00.35) para talunin ang kababayan na si Eliud Kipchoge sa 34 segundo na nakakaungos.
Pinagwagian ni Kiptum ang karera sa halos 3 at kalahating minuto na agwat na sumegunda si defending champion Benson Kipruto sa naitalang oras na 2:04:02 at Bashir Abdi na pumangatlo sa 2:04:32.
Pinag-ibayo ng 23-anyos na kampeon ng London Marathon noong Abril ang performance sa 50 segundo upang wasakin ang world record mark na 2:01:09 na itinala ni Kipchoge sa Berlin noong 2022.
"A world record was not in my mind today, but I knew one time, one day I’d be a world record holder,” saad ni Kiptum sa post-race interview. “I feel so happy. I was prepared. I knew I was coming for a course record, but fortunately [it was] a world record.”
Lumayo na agad si Kiptum sa kanyang mga kaagwat pagsapit sa 26.2-mile race, may pitong runner ang kanyang naiiwan matapos maabot ang 5km sa 14:26 kasabay ang kababayan na si Daniel Mateiko.
Ang dalawa ay nagtala ng world record pace pagsapit sa kalahatian ng 1:00:48, pero nang lumayo na si Kiptum sa 10km, tila mababasag na niya ang record ni Kipchoge.
May agwat na 5 km sa pagitan ng 30km-35km stretch sa 13:51, mukhang papasok sa finish si Kiptum na wala pang 2 hours at 1 minute at patuloy pa rin ito sa kanyang pangunguna.
Comments