top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Killer na holdaper, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 21, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 21, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isa sa tatlong killer na holdaper ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Binalbagan sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Rey Castino, 19, residente ng Bgy. San Teodoro sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, isa si Castino sa tatlong holdaper na nangholdap at pumatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa biktimang si Tony Lazaga noong Agosto 16, 2023 sa Bgy. San Pedro sa nasabing bayan.


Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Castino kaya agad itong pinuntahan at dinakip ng mga operatiba.


Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawa pang suspek sa pagpatay sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page