Killer, arestado sa hideout
@Balitang Probinsiya | April 28, 2023
SAMAR—Isang most wanted na killer ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Tarabucan, Calbayog City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa pangalang "Johnny", nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin.
Kusang sumama naman ang suspek sa pulisya nang dakpin siya sa nasabing barangay.



Comments