Kelot, todas sa kuryente
@Balitang Probinsiya | July 4, 2023
QUEZON -- Isang lalaki ang namatay nang makuryente kamakalawa sa bayan ng Mulanay sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Sabalboro, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, napahawak si Sabalboro sa isang live wire na nakalagay sa bakod ng isang bahay kaya nakuryente ang biktima.
Agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Inaalam pa ng pulisya ang kasong isasampa sa may-ari ng bahay na naglagay ng live wire sa bakod para papanagutin sa pagkamatay ng biktima.



Comments