Kelot tinodas ng utol
@Balitang Probinsiya | Enero 16, 2023
CAPIZ—Isang 19-anyos na binata ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Agsirab, Dumarao.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arviy, samantalang hindi na muna pinangalanan ang suspek na 16-anyos hangga't hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid, kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek upang sampahan ng kasong parricide.



Comments