Kelot tinodas ng tiyuhin
@Balitang Probinsiya | June 08, 2023
CAPIZ -- Isang 29-anyos na binata ang namatay nang barilin ng kanyang tiyuhin na barangay tanod kamakalawa sa Bgy. Matnog, Ivisan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roel Varcas, samantalang ang suspek ay ang tiyuhin nito na si Garry Varcas, 40-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang magtiyuhin kaya binaril ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments