Kelot tinodas ng tiyuhin
- BULGAR
- Mar 23, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 23, 2023
AKLAN—Isang 22-anyos na binata ang namatay nang barilin ng kanyang tiyuhin kamakalawa sa Bgy. Dalagsaan, Libucao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Mark Asiong, samantalang ang suspek ay ang tiyuhin nito na si Bendocio Asiong, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si John Mark nang lapitan ito ng kanyang tiyuhin at agad binaril sa mukha ang biktima.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek, samantalang inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng salarin sa pamamaslang sa biktima.



Comments