top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kelot, tinodas ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 10, 2020



CEBU—Isang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Pitogo, Consolacion.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ray Yuson, residente ng Bgy. Jubay, Liloan sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng pick-up si Yuson ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page