Kelot, tinodas ng pinsan
@Balitang Probinsiya | October 13, 2023
ILOILO -- Isang 32-anyos na lalaki ang namatay nang saksakin ng kanyang nakababatang pinsan kamakalawa sa Bgy. Quinangyana, Bingawan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Dino Payas, samantalang ang suspek ay si Renyel Pastrana, 21, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang magpisan kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nadakip naman ng pulisya sa isinagawa nilang follow-up operations ang suspek.



Comments