top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kelot, tinodas ng parak

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 5, 2020



CAPIZ—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng kanyang nakaalitang pulis kamakalawa sa Bgy. Sagrada Familia, Dumarao.


Ang biktimang nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Renato Pampag, samantalang ang suspek ay si Pat. Mamerto Arellano, nakatalaga sa Provincial Police Mobile Force sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Pampag at Arellano hanggang sa maglabas ng itak ang biktima at tinangkang tagain ang pulis.


Dahil dito, binunot ni Arellano ang kanyang baril at sunud-sunod na pinagbabaril ang biktima.


Dinala pa ng mga saksi si Pampag sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang sinampahan na ng kasong murder si Arellano.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page