top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Kelot, tinodas ng mag-ama

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 17, 2023


AKLAN -- Isang 45-anyos na lalaki ang namatay nang saksakin ng mag-amang kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Talon, Altavas sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa katawan na si Efren Salaber, samantalang ang mag-amang suspek ay sina Rubio Sr., 45, at Rubio Bunyo, Jr., 19, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Salaber at ang mag-amang Rubio na humantong para pagtulungang saksakin ng mga suspek ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nadakip naman ng pulisya ang mag-amang suspek na kapwa nahaharap sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page