top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot, tinodas ng kainuman

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2021
1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 4, 2021



AKLAN—Isang 23-anyos na lalaki ang namatay nang barilin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Mantiguib, Makato.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jessmar Nerval, samantalang ang suspek ay si Jerry Redaniel, 53-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Nerval at Redaniel, sa hindi malamang dahilan ay biglang pinagbabaril ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga residente si Nerval sa ospital, pero hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.


Nabatid na nagtangka pang tumakas si Redaniel, pero mabilis siyang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page