Kelot, tinodas ng half-brother
- BULGAR
- Aug 14, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 14, 2023
QUEZON -- Isang 58-anyos na lalaki ang namatay nang pukpukin ng bato sa ulo ng kanyang half-brother kamakalawa sa Bgy. Matinik, Lopez sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Armin Dimalibot, samantalang ang suspek ay si Manny Cero, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kaya kumuha ng bato ang suspek at ipinukpok ito sa ulo ng biktima.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ngayon ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments