Kelot, tinodas ng gunman
@Balitang Probinsiya | November 10, 2021
QUEZON—Isang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Lalig, Tiaong.
Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jorge Torres, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may kumatok sa bahay ni Torres at nang pagbuksan ang pinto ay agad itong pinagbabaril ng suspek.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang salarin.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen.



Comments