top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot, tinodas ng bayaw

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 29, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang 37-anyos na lalaki ang namatay nang barilin ng kanyang bayaw, kamakalawa sa Bgy. Paghumayan, Calatrava sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Gilbert Claro, samantalang ang suspek ay si Raymart Cabriana, 29, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magbayaw hanggang bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo at katawan ang biktima.


Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusang sumuko ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms ang ammunitions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page