Kelot, tinodas ng armado
- BULGAR
- Oct 30, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 30, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang lalaki ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Minautok, Calatrava sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng nasawi ay hindi na isinapubliko ng mga awtoridad ang pangalan ng biktima na residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad pauwi ang biktima ay biglang sumulpot ang suspek at agad itong pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente para makilala at madakip ang suspek.



Comments