top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot, tinodas ng 4 na armado

BULGAR
Mar 21, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 21, 2021


BACOLOD CITY—Pinagbabaril ang 55-anyos na lalaki hanggang sa mapatay ng apat na armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Handumanan.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Jose Estaniel, residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nasa labas ng bahay si Estaniel nang sumulpot ang apat na suspek at pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay agad tumakas ang mga salarin lulan ng pulang kotse.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page