top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot, tinepok sa garahe

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 11, 2020



BATANGAS—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin sa loob ng garahe ng kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Balintawak, Lipa City.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at ulo ay nakilalang si Nilbert Reyes, nakatira sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, habang nasa garahe ng kanilang bahay si Reyes ay bigla itong pinagbabaril ng suspek.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page