Kelot, tinaga ni kuya
@Balitang Probinsiya | April 21, 2023
AKLAN—Isang 28-anyos na binata ang sugatan nang tagain ng kanyang nakatatandang kapatid, kamakalawa sa Bgy. Medina, Madalag sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Perry Nabor, samantalang ang suspek ay ang kuya nito na si Peggie, 45, kapwa nakatira sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid kaya tinaga ng suspek ang biktima na tinamaan sa kanang binti.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong ginagamot.
Kusang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated parricide.



Comments