Kelot, tinaga ng utol

@Balitang Probinsiya | March 8, 2021
AKLAN—Isang 27-anyos na binata ang sugatan nang tagain ng kanyang nakatatandang kapatid kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng taga sa kaliwang braso na si Rolando de Tomas samantalang ang suspek ay ang kapatid nitong si Robert, 28-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas si Robert.
Kasalukuyan nang ginagamot sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.



Comments