Kelot, tinaga ng tiyuhin
- BULGAR
- Jan 5, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 05, 2022
CAPIZ—Sugatan ang lalaki nang tagain ng kanyang tiyuhin kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Pontevedra.
Ang biktimang nagtamo ng taga sa katawan ay nakilalang si Tomas Barogo Garon, 46-anyos, samantalang ang suspek ay ang tiyuhin nito na si Danilo Barogo, 66-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nag-uusap ang magtiyuhin nang magkaroon ng pagtatalo na humantong para tagain ng suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Garon sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.



Comments