top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kelot, tinaga ng lasing

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 15, 2023


QUEZON -- Isang 18-anyos na binata ang sugatan nang tagain ng isang lasing kamakalawa sa Bgy. Magallanes, Lopez sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng isang tama ng taga sa kanang kamay na si Mark Ray Roda, residente ng Bgy. Vergana sa naturang bayan, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Roda ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang lasing na suspek at tinaga sa kanang kamay ang biktima.


Napag-alaman na matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek, samantalang dinala naman ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan pa ito.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pananaga sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page