Kelot timbog sa marijuana
@Balitang Probinsiya | Pebrero 28, 2023
CAMARINES SUR — Isang binata ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Santiago, Pili sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ricky Lustina, 23, nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa himpilan ng pulisya.



Comments