Kelot timbog sa baril at granada
@Balitang Probinsiya | April 28, 2023
ILOILO—Isang lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng isang baril at Granada, kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Bancal, Carles sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ritz Develos, 46, at residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Develos at dito nakumpiska ang isang baril na kalibre .45 pistola, isang granada at mga bala.
Napag-alaman na may mga kasong robbery ang suspek sa nasabing lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba sa nasabing lugar.



Comments