top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kelot, timbog sa 2 boga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 24, 2023


AKLAN—Isang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng dalawang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Mandong, Batan sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkatao nito.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na may baril ang suspek kaya sinalakay ng mga awtoridad ang bahay nito sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang isang shotgun, kalibre .357 revolver at mga bala.


Napag-alaman na hindi nanlaban ang suspek sa mga awtoridad.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong 2-counts ng illegal possession of firearms, ammunitions and explosive.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page