top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot, tiklo sa tupada

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 5, 2023


ALBAY—Isang sabungero ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa isang tupadahan sa Bgy. Balading, Malinao sa lalawigang ito.


Itinago na muna ang suspek sa pangalang "Domingo" habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang suspek, samantalang mabilis na nakatakas ang iba pang sabungero.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng sabong.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong illegal gambling laban kay "Domingo", samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang nakatakas na sabungero.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page