Kelot tiklo sa shabu at boga
@Balitang Probinsiya | March 13, 2023
BATAAN—Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu at baril kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Mariveles sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Noel Cruz, nasa hustong gulang, at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga pakete ng shabu, isang baril at mga bala sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments