top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kelot, tepok sa tubig-baha

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 4, 2020



CAPIZ—Isang lalaki ang namatay nang malunod sa tubig-baha kamakalawa sa Bgy. Badiangon, Pres. Roxas.


Ang biktima ay kinikilala ng pulisya na si Leonel Ballon, 25-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, bumuhos umano ang malakas na ulan at kasunod ang pagragasa ng tubig-baha at tinangay ang bahay ng biktima.


Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero hindi nila nakita ang biktima na nalunod sa tubig-baha.


Napag-alamang makalipas ang ilang oras at nang humupa ang baha ay dito na natagpuan ang bangkay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page