top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot, sugatan sa kaalitan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 17, 2021



CAPIZ—Isang 21-anyos na lalaki ang sugatan nang saksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Poblacion Ilaya, Dumarao.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Aren Pardilla, samantalang ang suspek ay si Junnel Coronado, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Batay sa imbestigasyon, umiihi umano si Pardilla sa gilid ng kalsada nasabing barangay nang lapitan ng suspek at agad pinagsasaksak ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi sa ospital si Pardilla sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page