Kelot sinaksak sa noo at leeg
@Balitang Probinsiya | March 26, 2023
BATANGAS—Isang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon nang saksakin sa noo at leeg ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Mabini, Lipa City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Bernie Dalisay, 47, samantalang ang suspek ay si Arnold Hidalgo, 45, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Dalisay at Hidalgo na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan pa itong inoobserbahan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments