Kelot sinaksak ng tanod
@Balitang Probinsiya | March 18, 2023
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang lalaki ang sugatan nang saksakin ng isang barangay tanod na kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Marupay, Jose Dalman sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Johnfel Toledo, 25-anyos, samantalang ang suspek ay si Joebert Elman, 28, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Toledo at Elman na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente.



Comments